Thursday, October 29, 2015

Tagalog Quotes - "Jeepney love story"

Wanted: Jeepney Love Story
Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan. Gusto ko lang namang magsulat, kasalanan to ni Noringai dahil sa libro niyang "Buti pa ang Roma may bagong Papa," nagustuhan kong magsulat ulit. Kung siya mayroong "Waiting for a Taxi," ako merong “Wanted: Jeepney Love Story.”

I remember when my friend and I are waiting for a bus para hindi hassle kapag sa Jeep dahil kailangan pa naming maglakad para makauwi. May mga dumaan na bus pero sa kasamaang palad hindi iyon ang rutang pupuntahan namin. Matagal kaming naghintay, napagpasyahan naming mag-jeep na lamang. Habang naghihintay kami sa waiting shed ng aming paaralan, nakita ko yong ex-crush ko na nabalitaan naming binabalikan ang ex niyang may shota ng iba. May dumaan na punong jeep, biglang sumakay si ex-crush doon. Pinagsiksikan niya ang kanyang sarili sa jeep. Dahil doon narealize ko ang isang bagay, tulad ng ginawa niya sa jeep. Ganoon din ang ginawa niya sa kanyang ex. Pinagpilitan niya ang kanyang sarili para lamang sa kagustuhan niya.

I’ll be a hypocrite if I won’t say na dati ko ding gawain yon. Ang ipagsiksikan sa jeep ang sarili. Lesson learned? "Huwag ipagsiksikan ang sarili sa jeep. Lalo na kung alam mong wala ka ng puwang/lugar dito. Hindi lang ikaw ang mahihirapan sa byahe kundi pati na rin ang mga nakapaligid sayo. Mismong jeep na ang sumusuka sa’yo, bakit mo pa pipilitin ang isang bagay na sa una pa lang alam mong wala ka ng puwang?"

Ngayon kung tatanungin mo ako kung nakasakay ba kami ng jeep. Ang sagot ay HINDI. Bago pa man kami makasakay ng jeep ay may dumating na bus para sa amin. :))

0 comments:

Post a Comment