Hindi ko alam kung tama ba o mali yung timing na nagpatugtog ako ng Non-stop Opm songs kanina kasi habang namamasyal ako sa mga timeline ng kaibigan ko medyo sumablay nung napunta na ako sa timeline ng crush ko. Sumakto yung mga emoterang kanta e, yung tipong mga “ba’t di mo pagbigyan ang pag-ibig ko” at “kung alam mo lang sana” ang mga datingan. Hays, di ko tuloy alam kung maaasar ako o mag-eemote din ako e. Haha.
Lesson learned: Wag makinig ng mga Opm songs kapag magpupunta sa timeline ni crush, mapapaemote ng wala sa oras.
Lesson learned: Wag makinig ng mga Opm songs kapag magpupunta sa timeline ni crush, mapapaemote ng wala sa oras.
0 comments:
Post a Comment