Monday, November 16, 2015
Posted by Unknown on 3:40 AM with No comments
“Hindi kasi ako yung taong IPAGLALABAN ka. Inaamin ko yun. Pero hindi dahil sa takot ako o duwag. Pero hindi kasi lahat ng bagay nadadaan sa pagiging matapang. At ako kasi yung taong HINDI selfish. Ako yung taong hahayaan ka maging masaya sa iba. Ako yung taong hindi ka ipaglalaban dahil marunong ako tumanggap ng katotohanan at hindi ako makikipag-kompetensya sa ibang tao para lang sa atensyon mo. Ako yung taong masaya na kung nakikita kang masaya. Ako yung taong nasasaktan kapag nakikita kang nasasaktan. Ako yung tao na kayang-kaya kang tulungan kung may problema ka sa kanya. Ako yung taong nandito padin sa tabi mo kahit hindi mo na alam yun. Ako yung taong hanggang tingin nalang at masaya na kapag nakikita ko yung ngiti mo. Ako yung taong hahayaan kang matuto sa sarili mong pagkakamali. Hindi ako lalaban. Kasi bakit ako lalaban kung pwede namang maghintay? Kung tayo, tayo sa huli. Kung hindi, hindi. Ako kasi yung taong hindi lalaban kung alam kong TALO ako.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment