Wednesday, November 4, 2015

Tagalog Quotes - "Mahaba quotes magsawa ka"

USAD (sabi nila)
Oh! MOVE-ON daw tinagalog ko lang haha!. Sana ang pagmoMove On parang pagsakay lang ng jeep nuh :3, tipong pag gusto mo na umuwi, sasakay ka lang ng jeep makaka
layo ka na sa lugar na yun, makakalayo ka na sa sakit at kung maari pati sa masasayang ala-ala na pagkalaunan ay magiging sanhi nanaman ng kalungkutan mo, kaso hindi ganun ee’.

Sa pag moMove on kailangan maglalakad ka lang palayo, paunti-unti kasi kung mag jeJeep ka at mamadaliin mo yung pag-usad sayang pamasahe (effort) kasi bigla kang papara dahil may naiwan ka pala (regrets), edi back to basic ka nanaman haha!.

Kung maglalakad ka, OO mabagal pero habang nasa daan ka ng “MAGMO-MOVE-ON-NA-AKO STREET” at malapit ka na sa kanto ng “NAKA-MOVE-ON-NA-AKO-STREET, BARANGAY WHO-YOU-KA-SAKIN” tatamarin ka na bumalik pa diba lalo na pag may poging nag hihintay sa “LOT- 20 WHERE NA YOU, BLK- 15 DITO NA ME” haha! O kundi man sya pogi, someone special nalang edi ituloy-tuloy mo na ang paglalakad, lakad lang haa~! wag tatakbo (‘di porket gwapo magpapaka the flash ka na) baka kasi biglang may tumisod sayo, alam mo na, baka may GF na pala sya (yung pogi) okaya lalake din ang type nya tas FRIENDZONE ka lang or worst PINAASA ka lang haha! (ba’t parang ang mean ko?).

Luuuh! Sa kalokohan napunta yung move-on ko :)). Owell yun nga lakad ka lang makakarating ka din sa “NAKA-MOVE-ON-NA-AKO STREET, BARANGAY WHO-YOU-KA-SAKIN” at kung may tumisod sayo tuloy mo lang lakad mo, sabi nga dun sa nabasa ko sa watty..

“Ang pagmoMove-On ay parang pagsali sa Marathon, ‘di ka mananalo kung lingon ka ng lingon”
—cr: owner

Madaling sabihin para saamin (friends, kapatids, magulang, etc.) na makakaUSAD ka din, pero alam din naman naming mahirap talaga yan. Ikaw, ikaw lang ang tutulong sa sarili mo para magawa yan, paa mo ang kailangan lumakad para makausad, paniniwala mo na makakaMove on ka ang tutulong sayo para makahanap ng shortcut. Kung madapa ka man ikaw din ang kailangan bumangon. Gawin mo yan para sa ikabubuti mo at ikakasaya mo. Ikaw lang mismo nakakaalam kung paano, saan, at kailan ka mag sisimula pero dapat mong malman at tangapin na KAILANGAN mo ng magMove-On kasi:

•Nagpa-landi sya iba.
•Nagsawa na sya.
•May asawa na sya.
•Masyado ka ng nagpapaka-tanga sakanya (maawa ka naman po sa sarili mo.)
•Wala na sya.
•Di ka na nya kailangan (manggagamit sya!)
•Dalawa/Marami kayong mahal nya (di sya tao dami nyang puso :p)
•Di sya deserving sa love mo.
•Niloloko ka lang nya.
•Sobra ka na nyang sinasaktan (emotionally,physically, verbally, nationally, diagonally, horizontally, tinatali hahahaha)
•HINDI KA NA NYA MAHAL (ay utang na loob wag na pagpilitan ang sarili usad naa~ !)

*bow (mejo mahaba ano poh??)

0 comments:

Post a Comment