Monday, November 16, 2015

Tagalog Quotes - "Nasasakal ka na"

Nasasakal ka na?
Pwede na nating itigil ‘to. Kasi magiging walang kwenta ang relasyon kung ako lang ang nagmamahal, magiging one way ang labas neto. Bakit ka nga ba nasasakal sa akin? Eh yung mga oras na nililigawan mo ‘ko diba ang clingy mo rin. Tapos parang araw-araw may surpresa ka, ano ba ang okasyon? Nung birthday mo binigyan kita ng regalo pero sabi mo nasasawa ka na. May ginawa ba ako?
Dati nga nagseselos ka sa mga kinakausap ko pero 'di tayo, ngayon naman na nagseselos ako bigla kang magsasabi na Kaibigan lang kami. Eh, yun rin naman sinabi ko dati diba? Nagtatampo ka pa nga nun, eh, di naman tayo. Ako nga sa sinabi mong yan naniwala agad hindi ako nagtatampo kasi sasakit ulo mo naranasan ko rin yan, yung mga oras na nililigawan mo PA ako
Gago ka ba o Gago talaga? Ang kapal naman ng mukha mong masakal sa mga ginagawa ko na parang di mo ginawa dati? Ang unfair mo ‘lam mo yun?

0 comments:

Post a Comment