Dadating na lang talaga sa point na mapapagod ka at maaawa sa sarili mo.
Hindi ka napapagod na mahalin ang isang tao. Napapagod ka sa pambabalewala nya sayo. Darating na lang sa point na mararamdaman mo yung tinatawag na low self-esteem. Hindi naman lahat ng tao ay busy sa loob ng 24 oras. Oo, siguro busy ka nga pero hindi naman sa lahat ng oras busy ka. Effort ang kulang. Alam mo kung san ka sumipag? Sa katamaran. Yung alam mong nag hihintay sya sayo pero binabalewala mo. Hindi sapat ang salitang mahal kita kung kulang ka sa gawa. Sabi nga nila action speaks louder than words. At vice-versa din minsan kelangan din natin marinig ung salita kesa sa gawa. Kumbaga tama lang at dapat naayon ang sinasabe mo sa ginagawa mo. At naaayon ang ginagawa mo sa mga sinasabe mo.
Monday, November 2, 2015
Posted by Unknown on 12:09 AM with No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment