Wednesday, November 11, 2015

Tagalog QUotes - "Pareho nyong ipaglaban"

Di ba pwedeng pag kayo ngayon, kayo na hanggang-hanggan?.
Ah! yung tipong wala ng sukuan, yung parehas kayong lalaban?. Pwede naman mangyari talaga yan KUNG parehas nyo ipaglalaban yung pag mamahal nyo para sa isa’t-isa. Hindi naman kasi yan mawawala sayo kung iingatan mo diba? Kaso minsan iniingatan mo nga napagtanto nya naman bigla na minsan sa buhay nya ee’ kailangan nya ng kalandian sa buhay dyan na magkakatalo >.<. Pero kung sapat lang ang pag mamahal na ibibigay mo sakanya (sapat lang wag muna sobra di pa kayo kasal) sapat na maMaintain mo yung dahilan kung bakit kayo nagmamahalan aii push mo yan! :).

OO lahat nagbabago maaring pati feelings nyo para sa isa’t-isa biglang maglaho (parang ‘to biglang nagbago ng point of perspective haha!) pero kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa at makakarelate kayo sa mga pagbabago at matatangap nyo ang mga pagbabago, tatagal naman kayo :). Iba parin talaga ang pag-ibig pag ipinaglaban.

Pag dumating yung time na paghihiwalay nalang talaga ang solusyon hindi ibigsabihin nun ‘di na kayo meant to be. Pwedeng meant to be kayo na magkakilala, pwede ding meant to be kayo na di magtagal ;).

Tanggapin nalang natin ang katotohanang napaka-komplikado ng buhay pag-ibig pero ‘di nating maitatangi na dahil dito tayo’y nagiging sooobrang masaya.

0 comments:

Post a Comment