Popoy:I'm sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung magkahiwalay tayo ang inisip ko sarili ko lang, 'yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I'm sorry bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na, kailangan mo ring hanapin ung bashang nawala nung minahal mo ako.
Basha:'Yung Bashang mahal ka pa rin.
Popoy:Hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihin sa'yo na, sana tayo nalang, sana tayo nalang ulit. Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit, and I'm sorry.
Basha:Anong dapat kong gawin?
Popoy:Ako na 'to eh Bash, ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon para makalimutan ko na lahat ng sakit.
Para maalala ko lahat ng mga nagdaan mabuti sa atin. Para bumalik 'yung Popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para 'pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong buo na walang halong takot kung masaktan man tayo ulit.
Monday, November 2, 2015
Posted by Unknown on 12:03 AM with No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment