Wednesday, October 28, 2015

Tagalog Quotes - "Hindi maiwasang matakot"

Di ko maiwasang matakot na baka pag-gising ko bukas, nagbago na lahat. Hindi na ako. Iba na. O baka siya na ulit. Masakit para sakin yon. Yung kaligayahan ko biglang mawawala saken. Sobrang tagal kong binuo yung tiwala ko para dito tapos ganon nalang? Ayoko. Ayoko. Sakin ka lang. Ayokong masaktan nanaman ng sobra dahil nagkamali nanaman ako sa pag-pili. Baka hindi ko na kaya mabuo ulit kung sakali. Ang hirap maloko. Ang hirap gumising sa umaga na lahat ng buong puso mong pinaniwalaan at ipinagmalaki mo sa lahat ay kasinunglingan lang. Mahal na kita eh, oo. Nandon na ako. Eto na eh. Naramdaman ko na. Wala na kong magagawa. Di kona napigilan. Kaya ko namang wala ka, pero ayoko lang talaga. Ikaw na eh. Ikaw lang. Ikaw lang talaga. Sana may patunguhan lahat to kung anuman tong meron tayo. Kasi masaya ako. Masaya ako na ganito. Masaya ako sayo. Masaya akong minahal kita at nagtiwala ako sayo. Sana wag mo sayangin. :—-)

0 comments:

Post a Comment