Noon. Ako lang sayo at ikaw lang din sakin. Sobrang saya natin. Hindi mo ako natitiis at ganun din ako sayo. Ako lang ang mundo mo at ikaw lang ang sentro ng buong buhay ko. Araw araw kitang namimiss, yung boses mo, yung mukha mo, yung mga yakap at halik mo. Pag nag-aaway tayo, naaayos agad natin. Di natin pinapatagal. Wala na akong mahihiling pa kasi nasakin ka na at kuntento na ako dun.
Ngayon. Masaya ka. Pero sa iba na. Hindi na sakin. Ako? Naghihintay lang sayo, sa pagbabalik mo. Hindi ko kelanman naisip na mawawala ka sakin. Sobrang sakit pero kelangan kong tiisin at kayanin kase kasalanan ko naman kung bakit mo ako iniwan. Nawalan ako ng oras at may mga bagay na hindi ko na nagagawa. Pero kelangan ba talagang may kapalit ako agad? Ginagawa ko naman ang lahat para lang makita mong bumabawi ako at mapatunayan sayo na deserving akong bigyan ng second chance. Pero naisip ko, maaayos naman natin to kung wala kang iba..
Bukas. Yung totoo? Di ko alam kung makakaya ko. Kase ikaw pa rin ang nakikita ko sa hinaharap ko. Ikaw lang at alam mo yan. Yan din ang sinabe mo sakin dati pero, wala, iba na ngayon. Alam kong walang permanente sa mundo. Pero di ko inaasahan na pati yung nararamdaman mo sakin e hindi din pala magtatagal. Kung magiging masaya ka man sa kanya at maramdaman mong di mo na ako talaga kelangan sa buhay mo, pipilitin kong tanggapin pero asahan mong masasaktan ako. Kase alam mo naman na wala akong ibang gugustuhin kundi maayos natin to. Gusto kong maging masaya para sa inyo, pero mahirap. Susubukan kong lumayo para di mo makitang mahihirapan ako, para maging masaya na kayo.

0 comments:
Post a Comment