Pag iniwan mo ako. Siguro di ko kakayanin. Baka di ako makakain ng maayos at makatulog ng tama. Di ko kase makita ang future ko ng wala ka dun e. Sobrang laki ng parte mo sa buhay ko. Ikaw ang nagpapasaya sakin sa araw araw at pag nawala ka, guguho ang buong mundo ko. Pero di mo naman ako iiwan di ba? Nangako ka sakin na kahit anong mangyare, di mo ako iiwan. Tutuparin mo naman yun di ba?
Nung iniwan mo ko. Sabe ko na nga ba di ko makakaya. Di ako makakaen ng maayos. Di ako makatulog ng tama. Yung mata ko malalim pa sa balon at maitim pa sa buhok ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bat di ako nauubusan ng luha. Di din ako napapagod masaktan at lumaban at umasa na balang araw babalik ka. Sobrang sakit. Akala ko kase hindi ka susuko sakin kahit gaano kahirap ang sitwasyon, kahit gano katigas ang ulo ko. Akala ko kase tutuparin mo yung pangako mo na kahit anong mangyare di mo ako iiwan. Akala ko lang siguro ang lahat..
Wednesday, October 28, 2015
Posted by Unknown on 12:59 AM with No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment