Friday, October 30, 2015

Tagalog Quotes - "Lalaki yan"

LALAKI YAN.
Lalaki yan. Wag mo syang masyadong higpitan. Normal lang na lumalabas sya ng bahay, umaalis kasama ng barkada o ginagawa yun hilig nya. Normal lang na umaalis yan at mag papaalam naman ‘yan sayo kung pwede ba, kung saan sya pupunta at kung sinong kasama nya.

Wag ka masyadong mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano. Kahit malayo ka sakanya, ikaw lang naman yung mahal nyan. Hindi naman yan papatukso o titingin ng ibang babae lalo na kung mahal na mahal ka nyang talaga. Mag tiwala ka lang sakanya lalo na kapag may mga lakad sya na wala ka o di kaya hindi kayo mag kasama.

Gagawa ng paraan yan para maramdaman mong mahal ka nya. Minsan kasi parang bata din ‘yang mga yan. Hayaan mo lang syang gawin yung gusto nya. Katulad ng pag bbasketball, pag lalaro ng dota o kung ano mang hilig nya. Alam naman nya yung limit nya at pag katapos non, sayo pa rin naman balik nyan. Parang bata na sa bahay pa rin ang uwi matapos ng isang mahabang araw.

Gusto rin nyan nilalambing sya. Syempre, hindi naman palaging ikaw nalang dapat lagi. Gusto nya nararamdaman din nya kung gaano mo sya kamahal, kung gaano sya ka-importante sayo, kung gaano ka kasaya sakanya. Gusto nya yung niyayakap mo ‘rin sya. Wag mo syang bawalang makipag kaibigan lalo na kung may kausap syang ibang babae.

Hindi lang kayong dalawa ang tao sa mundo. Oo, mag aalala ka at pwedeng mag selos. Pero mag tiwala ka sakanya. Kung talagang mahal ka nya, hinding hindi sya mahuhulog at mag kakainteres sa iba. ‘Wag mo syang laging aawayin. Gusto nyan yung sweet ka sakanya. Gusto rin kasi nyan yung parang bine-baby din. May mga oras na mahina din sila, doon nila tayo mas kailangan at mas dapat maramdaman na kung gaano natin sila kamahal.

Oo, lalaki sila. Pero katulad ng babae, fragile din sila. Kapag may away kayo, mukha syang walang pakialam pero nag-iisip din yan. Hindi lang talaga sila ganon ka-showy tulad ng mga babae. Pakinggan mo ‘rin sya, hindi pwedeng palagi nalang ikaw yung iniintindi nya. Gusto nya ipakita mo rin sakanya na importante sya sayo

0 comments:

Post a Comment