Uri ng mga tagapakinig ng problema.
TOTOO. Sila yung mga taong kahit kailan, hindi ka iniwan. Yung mga taong may katagang “Problema mo, Problema ko din.” Ang pinapangarap ng lahat.
CURIOUS. Sila yung mga taong kapag nakarinig sa tsismis na may problema ka e bigla-bigla nalang lulutang sa harap mo at aaktong “concerned.” Akala mo sobrang nagke-care sayo pero ang totoo, Curious lang.
LUTANG. Goodnews: Sila yung mga taong lalapitan ka pag may problema ka kasi may pake sila sayo. Hahayaan nilang maglabas ka ng sama ng loob mo sa kanila. Okay na okay sa kanila na maging dramalord ka. at dumakdak at magngangawa kung kelan mo gusto. Badnews: Habang nagkwekwento ka at nagdadrama na para bang artista.. out of nowhere, wala na sayo yung atensyon nila. Yung nakatungo ka at nagdadrama tas pagkatingala mo, may kausap na syang iba. Saya diba? Kaya ayun, di na sya updated sa problema mo. Lutang na sya. -_-
Friday, October 30, 2015
Posted by Unknown on 2:16 AM with No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment