Monday, November 2, 2015

Tagalog Quotes - "Tagalog Love Quotes"

Tagalog Love Quotes (Summer Edition)

Hindi tanga ang taong nagmamahal kahit nasasaktan na. Mas tanga ang taong minamahal na nga ng sobra nakukuha pang magmahal ng iba.

Wala naman talagang tadhana o destiny, kung ano tayo ngayon yun ay bunga ng mga desisyon na ginawa natin noon. Kaya kung may mahal ka. Sabihin mo na. Malay mo bukas kayo na. :)

Kapag nagpatawad ka, hindi mo binabago ang nakaraan, bagkos binabago mo yung kinabukasan.

Ang ex hindi na dapat binabalikan. Parang old logic saying na “Ang kending natapon hindi na pinupulot kasi madumi na.”

Kung yung taong manloloko kahit palagi mong bantayan at pagsabihan, manloloko pa din yan.
Pero kung magbibigay ka ng dahilan para irespeto ka at mahalin ka ng tunay. Tingnan mo kahit maraming temptasyon, mamahalin at irerespeto ka niyan.

Ang Basura pag nirecycle ‘yan mababago ang mga hugis nito, kataulad sa pag-ibig hindi porket inayawan na siya ng iba eh„, pandidirian muna rin bakit hindi mo siya subukan bigyan ng isa pang pagkakataon baka nasa iyong palad ay mabago mo Siya.

Tagalog Love Quotes

Ang pag-big ay hindi sapat na basta sinasabi lang… kailangan ito’y ipinapadama upang magkaroon ng katuturan at katuparan ang pag-iibigan at upang ang isang relasyon ay magkaroon ng kabuluhan at hindi basta basta mabubuwag ng sinuman.

May mga panahon talaga na parang hinihila ka ng buhay pababa… sa mga ganyang sitwasyon mo makikilala ang mga taong sayo’y tunat at nagpapahalaga… kaya pag ika’y muling nakatayo na, huwag silang balewalain at kalimutan pa… upang mag silbing paalala na sa buhay mo may karamay ka.

Kung ayaw mong masaktan sa susunod alam mo ang dapat mong gawin? Simple lang, Sundin mo ang utak mo ‘wag ang puso mo.

Oo pinapakita ko na masaya ako. Bakit? Kasi ayoko magmukang kawawa lalo na at pinagpalit mo na ko. Sana maging masaya kayo. Darating yung araw na magiging okay din ako. Lahat ng luha na ipinatak ko para sa maling tao, mababawian ng saya at pagiging kuntento. May magmamahal sakin ng TAPAT AT TOTOO. Habang ikaw naman ay ginagantihan ng karma sa mga ginawa mo.

Ang mga babae sensitive ‘yan. Kapag sinabihan mo ‘yan ng ayaw niya kahit pabiro. Mananahimik yan. Kapag ginawa mo yung bagay na ayaw niya. Magagalit yan. Kapag pakiramdam niya nakalimutan mo na siya. Magtatampo yan. Pag nag like ka ng picture ng ibang babae. Mag seselos yan. Pero kahit ganyan mga babae, mahal na mahal ka niyan. Kahit nananahimik yan. Ikaw pa rin gusto niyang kausapin. Kahit magalit yan. Ibababa niya pride niya. Kahit magtampo yan. Ikaw pa lalambingin niyan. Kahit mag selos yan. Sayo pa rin loyal yan.

0 comments:

Post a Comment